Balita

Klase, trabaho sa Metro, sinuspinde sa ‘ Gorio’

- Nina BETH CAMIA, MARY ANN SANTIAGO, at ROMMEL TABBAD May ulat nina Jun Fabon at Leonel Abasola

Dahil sa maghapon at matinding buhos ng ulan kahapon, inihayag ng Malacañang na inaprubaha­n ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang rekomendas­yong suspendihi­n ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at ang klase sa mga pampubliko­ng paaralan sa Metro Manila kahapon.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella na epektibo 1:00 ng hapon ay sinuspinde na ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng pampubliko­ng paaralan sa Metro Manila.

Ayon kay Abella, desisyon naman ng mga pribadong tanggapan at eskuwelaha­n kung magsususpi­nde rin ng trabaho at klase.

Nauna rito, madaling araw pa lang kahapon ay nagkansela na ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa halos buong Metro Manila at sa ilang kalapit na lalawigan dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng bagyong ‘Gorio’, na nagpaigtin­g sa hanging habagat.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ilan sa mga lokal na opisyal ay nagkansela ng klase nitong Miyerkules ng gabi pa lamang.

Sa Metro Manila, kaagad na nagkansela ng klase ang Maynila, Mandaluyon­g, San Juan, Marikina, Muntinlupa, Valenzuela, Caloocan, Navotas, Malabon, Pasay, Pateros, Las Piñas, Parañaque, at Taguig.

TRENDING SI VICE Nag-trending naman sa social media ang hindi pagsuspind­e ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa klase sa lungsod, at ipinaliwan­ag ng bise alkalde na hindi nito sinuspinde ang klase dahil ang taya ng awtoridad ay makararana­s lang ng “light to moderate” na pagulan ang siyudad.

Dahil dito, umani ng instant bashers sa social media si Belmonte, na kalaunan ay sinuspinde rin ang klase sa siyudad.

Naka-red alert naman ang Roxas District sa Quezon City dahil sa patuloy na pagtaas ng baha roon, na umabot kahapon sa hanggang leeg.

Kanselado rin ang ilang klase sa Calabarzon, Region 3, at sa Pangasinan sa Region 1. IDIREKTA SA TELCOS Kaugnay nito, nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na alisin sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pag-aanunsiyo ng mga kalamidad, at idiretso na lang ito mga telecommun­ication company (telco).

Ayon kay Recto, mula sa babala ng PAGASA at Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology ay ipadadala muna ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bago ipapasa sa telcos. ‘GORIO’ LUMAKAS PA Lumakas pa kahapon ang Gorio at pinaigting din ang habagat na nagdulot ng malakas na pag-ulan sa kanlurang Luzon, kabilang ang Metro Manila hanggang sa weekend.

Sa huling update dakong 5:00 ng hapon kahapon, tinaya ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ang bagyo sa 585 kilometro sa silangan- hilaga- silangan ng Casiguran, Aurora.

Lumakas pa ang hangin nito sa 90 kilometers per hour (kph), at bugsong 115 kph, habang isinailali­m naman sa Signal No. 1 ang Batanes.

Samantala, isa pang low pressure area (LPA) sa kanluran ng Luzon ang posibleng maging bagyo, at tatawaging “Huaning”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines