Balita

Ika-69 na labas

- R.V. VILLANUEVA

TATLONG

bolahan lang, oras na ng tanghalian. At mukhang suwerte nga si Deth sa pera ni Kapitan Narciso. Gaya ng napagkasun­duan nila, ang puhunan ay ibinalik niya kay Kapitan. At tuos na ni Deth sa kanyang isip ang natira, kulang dalawang daang piso. Puwede na nga siyang makakain sa sariling gastos. Di ba nga, kung minsan, trenta o kwarenta pesos lang, nakakaraos na ang kanyang tanghalian. Sampung pising kanin at bente na ulam (karaniwa’y gulay o isang gilit na bangus)

“Sa inyo ka pa ba mananangha­lian ng lagay na ‘yan?” Tanong ni Kapitan kay Deth.

“Hindi na siguro.” Tiyak namang hindi uuwi ang ugok na Efren. Ngayon pang may pampanangh­alian na ako at may pamasahe pa pa-uwi.

“Tama,” sabi ni Mang Ruding. (Ruding na nga lang pala sa kanya).

“Plano ko sana, magpakuha na lang ng pagkain para sa ating lahat dito pero mas okey yata ‘yong tayong dalawa na ang magkasalo do’n mismo sa kainan.” Tawa ng mahina. “Tagal nating hindi nagkausap ng sarilihan.”

Ibig sana niyang sabihin: Ano naman ang ibig mong sabihin ng magkausap tayo ng sarilinan? Ang sinabi niya: “Sasabay ako sa ‘yong kumain kung papayag kang ako ang magbabayad.” Bakit ko naman sinabi ‘yon?

“Kung doon ka liligaya, okey lang.” Kasabi-sabi ba naman ni Ruding.

Ngek! Pa’no ngayon ‘yan? Alam mo na naman na maluho ‘yang Ruding na ‘yan lalo na kung kasama ka. Tiyak, lagpas sa pera mo ang oorderin niyang tanghalian.

May lusot pa naman, Deth. Di sabihin mong bahala ka sa pag-order. Sige, sabihin mo agad.

“Tara na, gutom na ako. “Si Ruding uli ang nagsalita.

Kasabay ng pagtayo nito, parang wala loob na hinawakan pa siya sa kamay. May bahagi sa kanyang isip na nagsasabin­g hawiin niya o ipagpag ang kamay niyang hawak ni Ruding pero bakit hindi niya ginawa? Saka bakit binibigyan pa niya ng katuwiran iyon? Ano ba naman ‘yong hawak sa kamay? Sa panahong ito, wala nang malisya ang ganoon. Saka, hindi ba ilang beses nang sinabi sa kanya ni Ruding: Kahawig ka ng anak ko. ‘Yong pagiging malapit ko sa iyo ay pagtatangi­ng ama. Huwag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan.

“O? Ano pa ba ang iniisip mo? “Si Ruding uli ang nagsalita. “Halika na’t baka mawalan tayo ng upuan. “

Yari na sa loob ni Deth na uunahan niya sa pag-order si Ruding. Siguro naman, pag naka-order na siya, hindi na makikialam si Ruding.

Pero nang dumating sila sa kainan, bahagya pa siyang nagulat dahil dumiretso na doon si Ruding na siyempre pa’y sinundan na niya.

“Daya mo, ha. “Aniya na tinawanan lang ng mahina ni Ruding. At nang nakaupo na sila, isa pang natiyak ni Deth ay may naorder na rin si Ruding na kakainin nila. At habang inihahanay sa mesa nila ang pagkaing inorder ni Ruding, tinayak niyang kulang na kulang ang pera niya para ipambayad sa mga iyon.

“O?” May napuna yata si Ruding habang inihahanay sa mesa nila ang pagkaing inorder ni Ruding, tiniyak niyang kulang na kulang ang pera niya para ipambayad sa mga iyon.

“Hindi…hindi,” parang may bara sa lalamunang sabi niya.

“Gusto ko namang lahat ang inorder mo.”

Totoo naman ang sinabi niya. Gusto nga niya ang nakahain. Lalo’t ganireng talagang gutom siya. Pero katakataka­ng hindi siya makakain. Nakokonsen­siya siyang hindi niya maintindih­an. Nagliliban­g lang ba siya talaga. O gumaganti siya kay Efren dahil sa ginagawa nitong paninikis sa kanya? Gusto ba niyang mangyari na kung may girlfriend talaga si Efren ay kailangan namang magka-boyfriend siya? Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines