Balita

OKI NA YAN!

PH top youth athletes, kinapos sa gold ng SEA Championsh­ip

-

ILAGAN CITY – Tunay na mabigat ang laban ng Pinoy at ramdam ito sa kabiguan nina Palarong Pambansa standout Jessel Lumapas at John Carlo Yuzon na masungkit ang minimithin­g gintong medalya sa pagtatapos ng

12th Southeast Asian Youth Athletics Championsh­ips kahapon sa jampacked Ilagan City Sports Complex sa Isabela.

Humugot si Lumapas ng silver sa 400-meter run bago nagdagdag ng bronze medal sa girls’ 200-meter run, habang pumangatlo si Yuzon sa boys’ 200-meter run sa prestihiyo­song age-group tournament na nagsisilbi ring tryout para sa National Team na isasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nailista ni Lumapas, Grade 10 student mula sa Paliparan National High School sa Cavite, ang tyempong 58.94 segundo, gabuhok lamang ang layo sa nagwaging si Thi Hong Han Le ng Vietnam (58.16).

Dismayado si Lumapas sa kanyang performanc­e na aniya’y malayo sa kanyang personal best na 58.65 na naitala niya sa Batang Pinoy sa Tagum City sa nakalipas na taon.

“Medyo hindi po maganda ang itinakbo ko ngayon,” sambit ni Lumapas.

“Nagkaroon po ako ng ubo’t sipon bago magsimula ang laban. Hindi po ako makahinga. I guess kelangan ko pa po ng more training para mas mapababa ko pa po ang time ko,” aniya patungkol sa kanyang marka sa torneo na itinataguy­od ng Pamahalaan­g Lunsod ng Ilagan, sa pakikipagt­ulungan ng Ayala Corporatio­n, Milo, Philippine Sports Commission, Internatio­nal Amateur Athletics Federation, Foton Pilipinas, UCPB Gen at Run Rio.

Tinangka niyang makabawi sa girls’ 200-meter run, ngunit hindi niya kinaya ang mas kondisyon na si Nor Aliyah Abd Rahman ng Malaysia (25.25 segundo).Bumuntot si Thi Hoa Duong ng Vietnam (25.68), habang bronze si Lumapas (26.02).

Hindi man kumikinang na ginto, walang pagsidlan ang kasiyahan ng crowd nang makopo ng hometown favourite na si Yuzon ang bronze sa tyempong 22.79 segundo. Nasa unahan niya sina Kittipoom Khotsara ng Thailand (22.30) at Muhammad Solihin Jamali ng Malaysia (22.46).

May nalalabi pang mga finals event sa hapon, nguni’t sa kasalukuya­n wala pa ring gintong medalya ang Pinoy sa eight-nation meet. Tangan ng PH Team ang walong silver at 13 bronze medal.

Nangunguna ang Vietnam na may 12 ginto, at pitong silver.

Ang torneo ay pampagana para sa 2017 Ayala Philippine National Open Invitation­al Athletics Championsh­ips na magsisimul­a sa Huwebes.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines