Balita

Federer, balik ang bangis sa Miami

-

KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Sinalubong ng magarbong palakpakan si Roger Federer. At sinuklian ng 18-time major champion ang malugod na pagtanggap ng crowd sa impresibon­g panalo.

Dinomina ni Federer si Juan Martin del Potro, 6-3, 6-4, nitong Lunes (Martes sa Manila) upang umusad sa fourth round ng Miami Open.

Ito ang unang pagkakatao­n na nakaharap ni Federer, halos isang taong nagpahinga bunsod ng injury, si del Potro mula noong 2013 at hindi man lamang natalo sa service play para sa 15-1 karta ngayong season.

“I feel like I earned it more,” sambit ni Federer, back-to-back champion dito (2005-06). “I was more the aggressor. It was more my racket, and I like it that way.”

Sunod na makakasagu­pa ni Federer si 14th-seeded Roberto Bautista Agut, nakalusot kontra Sam Querrey sa straight set, sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Ang iba pang third-round men’s winner ay sina top-seeded Stan Wawrinka, eighth-seeded David Goffin, 10th-seeded Tomas Berdych, 12th-seeded Nick Kyrgios, 16th-seeded Alexander Zverev at unseeded Adrian Mannarino.

Umusad naman si topseeded Angelique Kerber sa women’s quarterfin­als nang gapiin si Risa Ozaki 6-2, 6-2. Sunod niyang makakahara­p si 11th-seeded Venus Williams, nagwagi kontra seventh-seeded Svetlana Kuznetsova, 6-3, 7-6 (4) sa matchup ng dating Miami Open champions.

Sasabak din sa quarterfin­als si Caroline Wozniacki matapos gapiin si Garbine Muguruza, 7-6 (1) retired.

“Happy to be in the quarters. I feel like I’m playing well,” pahayag ni Wozniacki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines