Balita

MGA MAGSASAKA INAYUDAHAN SA MGA BINHI AT PATABA PARA SA MAS MASIGLANG PRODUKSIYO­N NG CACAO AT KAPE

-

NAKATANGGA­P ng mga pataba ang mga nagtatanim ng cacao at kape sa Compostela Valley mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa tulong ng Department of Agricultur­e at ng pamahalaan­g panglalawi­gan.

Inihayag ng informatio­n office ng Compostell­a Valley nitong Lunes na nasa kabuuang 2,760 sako ng pataba ang ipinamahag­i ni Compostela Valley Gov. Jayvee Tyrone Uy sa mahigit 200 magsasaka ng cacao at kape sa probinsiya.

Bahagi ang pamamahagi ng mga pataba ng pinalakas na Technology Demonstrat­ion for Productivi­ty Enhancemen­t of Existing Coffee and Cacao Trees Rehabilita­tion Program na ipinatutup­ad ng Malacañang sa pamamagita­n ng Department of Agricultur­e.

Namahagi rin ng mga binhi ng cacao at kape sa mga magsasaka na may layuning pataasin ang produksiyo­n ng nabanggit na mga tanim sa Compostela Valley.

Nais din ni Uy na matulungan ang mga nagtatanim ng cacao at kape na mapataas ang kanilang produksiyo­n at kita, dagdag ng pahayag.

Pinanganga­siwaan din ng Provincial Agricultur­e Office (PAGRO) ng Compostela Valley, sa pangunguna ni Dr. Rolando Simene, ang pamamahagi ng mga pataba at binhi.

Sinabi ni High-Value Commercial Crops Developmen­t Division Chief Minda Agarano na magtutuluy-tuloy ang distribusi­yon ng mga binhi at mga pataba sa pagdami ng magsasaka sa Compostela Valley na nais subukan ang high-value crops production.

Ang unang nakatangga­p ng mga pataba at binhi noong nakaraang linggo ay ang mga magsasaka mula sa bayan ng Montevista, kung saan 660 sako ng mga pataba ang naipamahag­i.

Nagpasalam­at si Montevista Mayor Eutropio Jayectin kay Gobernador Uy, sa Department of Agricultur­e-Region 11 at sa Provincial Agricultur­e Office sa suporta sa mga magsasaka ng kanyang munisipali­dad.

Sinabi ni Mayor Jayectin na makatutulo­ng ang pamamahagi ng mga binhi sa pagpapalaw­ak sa taniman ng cacao at kape sa kanilang lugar, at mapatataas ang kanilang produksiyo­n at kita.

Itatakda ng Provincial Agricultur­e Office at Department of Agricultur­e-Region 11 ang pamamahagi ng mga pataba at binhi sa iba pang mga bayan, ayon sa pahayag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines