Balita

THE BIRTHDAY BOY!

- AFP/NOEL CELIS

Nagmumuwes­tra si Pangulong Rodrigo Duterte habang sinasagot ang katanungan ng media sa pagdating niya sa bansa kahapon ng umaga mula sa Thailand. Para sa ika-72 niyang kaarawan sa Martes, Marso 28, hiling ng Presidente na magkaroon siya ng malakas na pangangata­wan para gampanan ang kanyang tungkulin at karagdagan­g oras para sa kanyang pamilya.

Maraming oras para sa pamilya at malakas na pangangata­wan ang tanging hiling ng Pangulo sa kanyang nalalapit na karawan.

“My wish really, my prayer to God is that bigyan niya ako ng konting lakas na lang to do our — overwork time because it is needed. Twenty-four hours is not really enough for the presidency, unless you want to sleep more than just about four hours,” sambit ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin ng media kung ano ang kanyang hiling sa kanyang ika-72 kaarawan sa Marso 28.

Kahapon dumating ang Pangulo mula sa opisyal na pagbisita sa Myanmar at Thailand.

Sinabi ng Pangulo na narating na niya ang tuktok ng kanyang karera at wala na siyang anumang regalong hinihiling kundi maging malakas para magampanan ang mga tungkulin bilang lider ng bansa.

“I only ask God that give me a little bit of time, a little strength to surmount the problems of the country and that I’d be able, not really to solve but maybe mitigate some of the rigors of governance at ang problema,” dugtong niya.

Pinakarami­ng oras ang iginugugol niya sa pagrerepas­o at pag-aaral sa mga dokumento ng estado. “I really must understand what I’m approving. Mahirap na po ma-impeach. No more, ‘pag na-impeach tayo,” aniya.

Sinabi ng Pangulo sa mga nagbabalak na magregalo sa kanya na bumili na lamang ng bigas para ipamahagi sa mahihirap.

“I have reached the apex of my career, material things which I cannot and will no longer be of use to me. If you have something for me, some are very expensive, you know I do not need it anymore. At saka maski bigyan ninyo ako ng mga diyamante for every finger, I cannot wear it. Otherwise, I’d be stupid,” aniya.

Nang tanungin kung paano niya nais ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw, sinabi ng Pangulo na sabik siyang makasama ang kanyang buong pamilya.

“I would be very glad to spend my time with my newest grandson Stone and the rest of my children and grandchild­ren. That would have been the greatest gift that I can ask in this planet,” aniya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines