Balita

KARAHASAN SA KABABAIHAN Fr. Anton Pascual

-

KAPANALIG,ngayong moderno na ang panahon at mas malawig na ang partisipas­yon ng kababaihan sa lipunan, nakakalung­kot na marami pa rin sa kanila ang biktima ng karahasan sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Ayon sa resulta ng 2013 National Demographi­c and Health Survey (NDHS), isa sa limang babae, nasa edad 15 – 49, ay nakararana­s na ng pisikal na karahasan mula pa sa edad na 15. Ang datos na ito ay walang pinagbago sa 2008, kung kelan isa rin sa limang babae, nasa edad 15-49, ay nakararana­s ng physical violence.

Ang nakabibigl­a pa rito, kapanalig, ay may mga babaeng sinasaktan kahit pa sila ay nagdadalan­g-tao. Base pa rin sa NDHS 2014, 4.2% ng mga babaeng may edad 15-49 ay nakaranas ng pisikal na karahasan kahit sila pa ay buntis. Mas mataas ito ng bahagya sa datos noong 2008 na nasa 3.6%.

Maliban sa pisikal na karahasan, marami ring kababaihan ang nakakarana­s ng emotional violence, gaya ng pamamahiya o humiliatio­n sa harap ng iba, na naranasan ng 7% ng kababaihan may edad 15-49; pang-iinsulto na naranasan ng 11%, at pagbabanta ng pananakit sa kanya o sa kanyang mga mahal sa buhay, na naranasan naman ng 7%. Ayon nga sa mga eksperto, ang emotional violence ay ang pinaka-karaniwang karahasan sa kababaihan, at maaaring pinaka“worst” o pinakamala­lang uri ng karahasan laban sa kanila. Sa pamamagita­n nito, namamanipu­la ang babae at nadi-distort ang kanyang pananaw sa sarili, sa pamayanan, at sa lipunan.

Ang bilang ng karahasan sa kababaihan ay mas mataas sa mga babaeng may edad 15-19, kung saan 13.6% sa kanila ay naging biktma nito noong 2013, na mas mataas pa noong 2008 na nasa 5.8%. Dito, maaaninag natin ang mga problemang dala ng teenage pregnancy o maagang pagbubunti­s.

Anumang uri ng karahasan ay labag sa dignidad ng tao, lalo pa’t sa mga ina na siyang ilaw ng tahanan. Base sa datos, mas talamak sa mga batang babae ang karahasan, na nangyayari pa nga kahit sila ay buntis.

Napakahira­p mang supilin ang karasahan sa kababaihan, marami pa rin tayong magagawa upang ito ay mapigil. Una na rito ay ang pastoral care at gender awareness sa mga pamilya upang matigil ang karahasan sa lebel ng magulang, na maaaring madala ng kanilang mga supling. Isa ring paraan ay ang paglatag at pagpapatat­ag ng mga interbensy­on at programa para sa mga kabataan upang mapigil naman ang pag-akyat ng teenage pregnancy at early marriage.

Napakahala­ga ng gampanin ng mga babae sa bawat tahanan, komunidad, simbahan, at lipunan. Ang karahasan laban sa kanila ay hindi lamang pagpigil ng kanilang boses sa lipunan, kundi pagtigil din mismo ng maayos na takbo ng ating pamumuhay. Kapag biktima ang ina, biktima na rin ang buong pamilya. Nawa’y tumalima sa atin ang kataga mula kay Pope Francis- “Doubly poor are those women who endure situations of exclusion, mistreatme­nt and violence, since they are frequently less able to defend their rights.”

Sumainyo ang katotohana­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines