Balita

Allan Caidic sa ‘Powerhouse’

-

SA kasaysayan ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA), wala pang nakatatalo sa record ni Allan Caidic na makapagtal­a ng 79 points sa loob ng isang PBA game.

Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan si Kara David sa pagdalaw sa ang bahay at alamin ang kuwento ng tagumpay ni Allan na kinikilala­ng “The Greatest Shooter in PBA History” at tinagurian ding “The Triggerman” ng basketball fans.

Naranasan din ni Allan na mabangko noong nagsisimul­a pa lang siyang maglaro ng basketball hanggang sa magkaroon siya ng pagkakatao­ng ipakita ang kanyang talento. At nang maglaro na si Allan sa PBA noong 1987, itinanghal siyang “Rookie of the Year.”

Naging matagumpay si Allan sa basketball pero noong 1997 ay nanganib hindi lang ang kanyang karera kundi pati na ang kanyang buhay sa loob mismo ng hard court. Na-injured siya nang magharap ang San Miguel Beermen at Gordon’s Gin. Ilang minutong nakahandus­ay at hindi makagalaw si Allan na napanood ng buong bansa nang live sa telebisyon. Marami ang nabahala at may mga kontrobers­iya pang umusbong dahil sa nangyari. Paano nga ba hinarap ni Allan ang pagsubok na iyon?

Sa Cainta, Rizal matatagpua­n ang dalawang palapag na tahanan ni Allan. Ang kanyang misis na si Malotte ang naging interior designer nito. Hindi magarbo ang mga kagamitan sa loob na aniya’y repleksyon ng kanilang buhay. Makikita rito ang mga koleksiyon ni Allan, kasama na rin ang mga tropeo at ibang parangal na nakuha niya sa paglalaro ng basketball.

Retirado na si Allan sa PBA pero aminado siya na nakakabit na sa bituka niya ang paglalaro ng basketball. Sa kasalukuya­n, siya ang assistant coach ng De La Salle Green Archers.

Mapapanood ang pagbisita ng Powerhouse kay Allan Caidic ngayong Miyerkules ng hapon, pagkatapos ng Healing Hearts, sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines