Balita

Panukala ni Salceda: Kalasag laban sa scammers

-

LEGAZPI CITY — Kailangan ng bansa, mga kawani, pensiyonad­o at overseas Filipino worker (OFW) ang matibay na kalasag laban sa investment scammers o mandurugas na nais kamkamin ang pinaghirap­an nilang salapi.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, target ng scammers ang mga pensiyonad­o at OFW dahil hindi gaanong protektado ng batas ang mga ito. Aniya pa, napakalaki ng idle savings ng Pilipinas na aabot sa P3 trilyon at sapat na para burahin ang kahirapan sa bansa, ngunit hindi ito wastong nagagamit dahil sa structural imbalances ng ekonomiya kaya nabibiktim­a ang mga OFW at pensiyonad­ong naghahanap ng investment.

Ang naturang savings ay lalo pang pinalolobo ng OFW remittance­s, na nakalagay ang malaking bahagi nito sa property investment­s. Dahil dito, dapat din silang maprotekta­han dahil ‘tila may scam na rin sa pre-sales ng mga property tulad ng condo units, dagdag niya.

Kaugnay nito, ipinananuk­ala ni Salceda na amyendahan ang RA 9710, na kilala bilang Magna Carta for Women, at gawin itong Magna Carta for Women, Senior Citizens and Retirees, at palakasin ang mga panuntunan nito laban sa mga ganid na marketing and financial “predators.”

“Bukod sa investor protection, kailangan ding magkaroon ng financial literacy program para sa retirado at mga OFW, na dapat ay higit na mabisa kaysa pahapyaw na informatio­n disseminat­ion na ginagawa ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),” ayon sa gubernador.

Binigyang-diin ni Salceda na dapat gawing state policy ang proteksiyo­n para sa “small savers” at dapat gamitin ng Financial Sector Forum (BSP, Insurance Commission at SEC) ang mga LGU para maging unang depensa nila, pahusayin ang buong justice system laban sa scammers, at magkaroon ng mahuhusay na espesyalis­ta ang bawat police station na makatutuko­y sa mga scam bago pa ito makapambik­tima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines