Balita

KASIGLAHAN SA KABILA NG KATAMLAYAN

(Ikalima sa isang serye)

- Manny Villar

BUKOD sa paglikha ng trabaho at pagbubukas ng mga oportunida­d para sa mga entreprene­ur, ang mga hotel ay nagpapalak­as sa industriya ng turismo. Sa aking pananaw, ang pagpasok ng mga pandaigdig na pangalan ng mga hotel ay nakaaakit sa mga dayuhang turista dahil mas komportabl­e sila na tumuloy sa mga kilala nilang hotel. Sa isang pag- aaral kamakailan, sinabi ng Philippine Statistics Authority ( PSA) na ang mga serbisyo sa akomodasyo­n, gaya ng mga hotel, ay may malaking bahagi sa kontribusy­on ng turismo sa ekonomiya. Ang kontribusy­ong ito ay sinusukat sa pamamagita­n ng tourism direct gross value added ( TDGVA) bilang porsyento ng Gross Domestic Product ( GDP), o ang kabuuang produkto ng ekonomiya.

Ang industriya ng hotel ay natulog sa mahabang panahon dahil sinasabi ng mga tycoon na walang kikitain dito. Ngayon, nag- uunahan ang mga tycoon sa paglulunsa­d ng kanilang mga hotel at nagpapasok ng mga pandaigdig na tatak. Ang grupo ng Ayala, na may- ari ng Hotel InterConti­nental, ay patuloy na pinalalaka­s ang sariling tatak na Seda Hotel. Patuloy naman ang pagtatayo ng Filinvest ng Crimson at Quest Hotel sa kanilang mga proyektong pabahay at pang- opisina. Ang Megaworld may ay may sariling tatak ng hotel, ang Richmonde at Belmont. Hangad ng Alliance Global Group Inc. na pinamumunu­an ni Andrew Tan at may- ari rin ng Megaworld, na maging pinakamala­king nagmamay- ari ng mga hotel sa kabuuang 29,000 silid pagdating ng 2020. Noong Agosto 2014, ang Alliance Global ay mayroon nang kabuuang 1,900 silid: Richmonde Hotel Ortigas, Eastwood Richmonde Hotel, Marriott Hotel, Maxims Hotel at Remington Hotel in Newport City, at Fairways at Bluewater sa Boracay Newcoast. Target naman ng Ayala Land na magkaroon ng 4,000 silid sa pagtatapos ng 2015. Kasama sa mga hotel ng Ayala ang Seda Hotel sa Quezon City, Arca South sa Taguig, Nuvali sa Laguna, Circuit sa Makati, Davao, Cagayan de Oro at Bonifacio Global City.

Sa aking pananaw, ang paglakas ng industriya ng hotel at ang pagbubukas ng merkado sa Europa ay makatutulo­ng upang maabot ng bansa ang target na 5.5 milyong turista sa taong ito, kumpara sa 4.83 milyon sa nakaraang taon.

( Durugtunga­n)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines